ISA PANG SARBEY
Posted at 01:08 AM
1.ano ang problema mo?
- mood swings galore! Alam ko namang dapat hindi na ganito, pero mahirap.
2. bakit sadyang may mga taong tanga?
- Kasi tamad mag-isip?
3. ano ang masasabi mo sa mga taong mahilig manloko?
- Marami akong naeenkwnetrong ganito araw-araw. . .May araw din kayo! (ay...harsh) You need (psychiatric) help. (ayan gentle na)
4. sa paanong paraan magiging masaya ang isang tulad mo?
- mababaw lang mga kaligayahan ko: pagkain, kape, libro, at makatulog ng matagal. Pwede na rin ang makipag-jamming or makipagdaldalan magdamag sa mga taong namimiss ko na.
5. kung luluha ka uli, ano o sino ang magiging dahilan nito?
- kapag galit lang ako naiiyak. At mabibilang sa isang kamay ang kayang magpaiyak sa akin
6. sino ang taong nagpapasaya sayo ngaun?
- too many to mention
7. bakit hindi sagot ang pagpapakamatay sa mga problemang dumarating sa ating buhay?
- kasi nga, kapag namatay ka, yung ibang tao naman ang mamomorblema sa mga naiwan mong suliranin.
8. kaya mo bang magpakamatay para sa pagibig?
- hu-what? OA naman.
9. ano ang mga pangarap mo sa buhay?
- I want to fulfill my God-given purpose. My dream is to do something and be someone whose impact would have eternal value.
10. kung may tao kang gustong patayin, sino ito?
- wala namang tao…ipis at lamok lang.
11. bakit naman?
- they fly and they bite and they are unavoidable
12. matapang ka ba?
- it depends. Sa pagkain kahit anu basta di panis hehehe.
13. ano ang pinakamalaking kasalanang nagawa mo sa taon na ito?
- disobedience.
14. madali ka bang magsawa?
- sakto
15. ano ang masasabi mo sa mga taong martyr?
- basta ba may maganda silang rason…di mo naman pwede igeneralize ang pagkamrtir bilang katangahan
16. seryoso ka bang tao?
- kapag gutom, inaantok or nagccram.
17. pag namatay ka ngaung oras na ito, marami kayang tao ang iiyak?
- i think so...
18. masakit ka bang magsalita pag galit ka?
- oo. Kahit nga inis lang minsan e.
19. pikon ka ba?
- depende sa mood, pero ngayon madalas ata.
20. huling bilin?
- sagutan nyo rin ito!